Makabagong Teknolohiya

      Sa tuloy-tuloy na pagpasok sa modernong panahon mula sa simpleng panahon na kung saan ay may simpleng komunikasyon, hanggang sa unting-unting umusbong ang iba't ibang teknolohiya sa pakikipagkomonikasyon.

      Sa pagdaan ng panahon tila nilamon na tayo ng  mundong teknolohiya. May mga tao narin  nagsabi na hindi nila kayang mabuhay ng walang internet at cellphone. 

   Ito ang mga ilan sa mga epekto ng makabagong teklonolohiya:

1. Mabilis na pagbigat ng timbang

    Ito ay para sa mga taong hindi na halos gumagalaw at laging nakaupo dahil sa labis na paggamit ng gadget. Hindi na natin kailangan na umalis lagi at gumalaw para sa mga gusto nating gawin dahil maaari na natin itong gawin sa ating mga gadget katulad na lang ng pakikipag-usap sa ating mga kaibigan o kamag-anak, bumili sa labas dahil sa meron ng online shopping, kahit yung ibang trabaho puwede ng nasa bahay ka na lamang at marami pang iba


2. Maaaring maging sanhi ng iba't ibang sakit

     Ang labis na paggamit ng gadget ay delikado sa ating kalusugan. Maaari tayong dapuan ng iba't ibang sakit dahil sa pagpapabaya natin sa sobra. Ang mga halimbawa ng mga sakit na pwede nating makuha ay sakit ng ulo, anxiety, insomnia, ulcer, addiction, stress, pagod sa katawan, seizure, at marami pang iba.


3. Problema sa mata

       Ang mata ang isa sa pinakagamit na parte ng ating katawan lalo na kapag gumagamit tayo ng gadget. Ang pagbababad masyado sa gadget ay nagiging sanhi ng komplikasyon sa mata dahil ito ay sensitibo at hindi siya puwede mababad ng matagal sa liwanag na magreresulta sa panlalabo, iritable, panunuyo, pagod at iba pa sa ating mga mata. May mga pag-aaral na isinagawa at nagresulta na ang ating mga muscle sa mata ay napapagod tumuon sa pagbababad ng ilang oras sa mga gadget at kung ihahambing natin ito ay katulad ito ng pagwowork-out sa gym ng matagal sa muscle natin ito ay mananakit at mapapagod.


Ilan sa pwedeng gawin para maiwasan:


1. LIMITAHANLANGANG PAGPAPAGAMIT NG GADGET

Kung makalulusot nga naman ang mga bata, gagamit iyan ng gadget o cellphone hangga’t gusto nila. Pero hindi dapat masanay ang mga batang pinagbibigyan sila sa lahat ng gusto nila.

Kailangang turuan silang may oras lang ang paggamit ng gadget.

Puwedeng i-set ang alarm para kapag natapos na ang nakalaang oras sa paggamit nito, tutunog at malalaman ng anak mo na hudyat iyon para tumigil na siya sa paggamit nito.

2. IPIKITANG MATA AT HUMINGA NG MALALIM

Maaari rin namang ituro sa mga kabataan na kapag naramdaman niyang gusto niyang gumamit ng smartphone o gadget para maglaro o mag-check ng social media account, sabihan silang ipikit ang kanilang mga mata at huminga ng malalim.

Hindi lamang ito makatutulong sa mga kabataan kundi sa kahit na sino sa atin.

Kailangan kasing nakaalalay ang bawat magulang sa mga anak. Kaya makatutulong din para sumunod sila kung magiging magandang halimbawa tayo sa kanila. Iwasan din ang pagpapagamit ng smartphone sa mga bata lalo na kapag nasa harap ng pagkain.                      

3. SABIHAN   ANG MGA BATANG HUWAG GAGAMIT NG GADGET SA PAMPUBLIKONG LUGAR

Napakarami na ring mga kabataan ngayon ang gumagamit ng cellphone ng walang pinipiling lugar. May ilan na habang nasa pampublikong sasakyan. Ang iba naman ay habang naglalakad.


.

Comments